Itinalaga ng Pasig City government ang Pasig City Children’s Hospital (PCCH) bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) referral facility.
Ito ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto ay dahil halos puno na ng mga pasyente ng COVID-19 ang mga pampubliko at pribadong ospital.
Sinabi ni Sotto na ang COVID-19 unit sa Pasig City General Hospital ay ililipat na sa PCCH samantalang ang pediaric services ng PCCH ay ililipat sa PCGH.
Sinabi ni Sotto na kukuha sila ng dagdag na health workers tulad ng duktor at nurses para sa PCCH na mayruong 90 bed capacity at mayruon na rin aniyang back up plans para mas maitaas pa ang bed capacity nito.