Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi na muna sila magbubukas ng karagdagang COVID-19 vaccination sites sa lungsod.
Ayon kay Mayor Sotto, kulang ang bilang ng mga personnel sa lungsod dahil maraming city health personnel ang naka-quarantine.
Nagpapatuloy naman ang mga pagbabakuna ng booster shot sa lungsod.
Batay sa huling datos ng Pasig Public Information Office, umabot na sa 1,082 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig City.
Nasa 60,578 naman ang bilang ng kaso kung saan 58,025 ang nakarekober at 1,471 ang nasawi.–-sa panulat ni Abigail Malanday