Itinuturing ng U.S. State Department si Pasig City Mayor Vico Sotto bilang isa sa mga champion laban sa korupsyon.
Kasunod na rin ito nang pagkakasama ni Sotto sa 12 international anti-corruption champions ng U.S. State Department.
Binigyang diin ni U.S. Secretary of State Antony Blinken na malaking banta ang korupsyon sa seguridad at katatagan gayundin sa paglago ng ekonomiya ng bansa, demokrasya at karapatang pantao.
Nakakawala rin aniya ng tiwala ng publiko ang korupsyon, pangangasiwa sa transnational crime at sumisira sa public at private resources.
Bukod kay Sotto, kabilang sa honorees sina Ardian Dvorani ng Albania, Diana Salazar ng Ecuador, Sophia Petrick ng Federated States of Micronesia, Juan Francisco Sandoval Alfaro ng Guatemala, Ibrahima Kalil Gueye ng Guinea, Anjali Bhardwaj ng India.
Kasama rin sina Dhuha Mohammed ng Iraq, Bolot Temiroc ng Kryrgyz Republic, Mustafa Abdullah Sanalla ng Libya, Francis Ben Kaifala ng Sierra Leone at Ruslan Ryaboshapka ng Ukraine.