Nagbitiw na bilang kasapi at Executive Vice President ng Partidong Aksiyon Demokratiko si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ito ang kinumpirma ng Chairperson ng Partido na si Ernest Ramel kung saan, sinabi niya na hindi nila inaasahan ang biglaang paghahain ni Sotto ng Resignation Letter.
Sa Twitter Post ng Alkalde, nakasaad sa kaniyang resignation letter ang araw ng kaniyang pagsali sa partido noong 2018.
Naniniwala si Sotto, na magkakaiba ang layunin at mithiin ng bawat indibidwal pagdating sa pulitika.
Sa kabila ng pagbitiw ng Alkalde sa kaniyang posisyon, bukas pa rin umano ang pintuan para kay Sotto sakaling bumalik ito sa partido.