Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na siya’y nakasailalim sa two-week quarantine.
Ayon kay Sotto, ito’y makaraang makasalamuha ang kanyang driver na dinapuan ng COVID-19 at kamakailan ay nasawi rin.
Dagdag pa ni Sotto, bilang pag-iingat, agad na rin niyang kinansela ang mga appointments, meetings at iba pa.
Kaugnay nito, ikinalungkot ni Sotto ang pagpanaw ng kanyang driver at PA nito na nawalan siya ng isang matalik na kaibigan.
Sa huli, nagpaabot ng pakikiramay si Sotto sa pamilya ng kanyang driver na nasawi dahil sa COVID-19.