Sinibak ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang opisyal sa pamamagitan ng pag aanunsiyo nito sa facebook.
Nag post si Sotto ng larawan ng iniwang tanggapan ng office head na dinismiss niya sa pwesto dahil umano sa kwestiyonable at abusado nitong pag uugali.
Aniya, makikita sa larawan kung paano itinuturing ng ilang opisyal na personal na pag aari ang pag aari ng gobyerno.
Kabilang aniya ang malabong imbentaryo ng mga kagamitan sa City Hall sa kinakaharap na hirap ng kanyang pamunuan.
Hindi aniya matukoy kung saan napupunta ang milyon o bilyong halaga ng mga equipment ng syudad dahil wala namang stickers ang mga gamit para sa monitoring.
Una nang ipina-imbentaryo ng bagong alkalde ang supplies ng City Hall matapos na kwestiyonin ng Commission on Audit ang 1.4 bilyong halaga ng materials ang hindi pa na account sa 2018 annual audit report.