Ginawaran ng pagkilala ng Department of Health ang Pasig City sa ika-30 anibersaryo nito.
Nanguna ang Pasig City sa 17 lungsod sa National Capital Region, kung saan nakamit nito ang ”Best Sanitation Practice and Programs” at “Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control.”
Maliban sa dalawang plaques of recognition, nakatanggap din ang lungsod ng ₱150,000 kada award.
Sinabi naman ng Pasig LGU na gagamitin ang naturang cash prize sa pagtugon sa mga programa na nakatuon sa produksyon ng information, education, and communication materials upang mapalawig pa ang kaalaman ng mga residente sa kaugnay sa Anti-Dengue Strategy at pagsusulong ng kalinisan at kalusugan ng pamayanan.