Nanguna ang Pasig City sa mga lungsod sa Metro Manila na may pinakamataas na coronavirus disease 2019 (COVID-19) performance.
Batay ito sa survey ng RP Mission and Development Foundation Incorporated kung saan nagtala rin ng magandang performance kontra COVID-19 ay ang Quezon City, Maynila, Marikina City at Valenzuela City.
Lumalabas na 86% ng mga taga-Pasig City ay nagbigay ng magandang review sa pamamaraan ng kanilang alkalde at city government para labanan ang nasabing virus.
Nasa ikalawang job approval ratings ang Quezon City – 80%, Maynila – 78%, Marikina – 74% at Valenzuela – 72%.
Samantala, naitala naman ang lowest approval ratings ang mga lungsod ng Pasay City – 25%, Las Piñas City – 26% at Malabon City – 27%.