Maglalagay ng temporary holding areas ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa mga ospital para matugunan ang pangangailangan ng mga moderate coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, magsisilbing extension ng emergency rooms ang temporary holding areas.
Mayroon aniya itong limang kama, mga gamot at iba pang basic equipment at supplies at may mga nakatalaga ring doktor at nurse.
Ani Sotto, inaasahang bahagyang maiibsan nito ang problema sa punong mga ospital kung saan wala ng mapuntahan ang mga pasyente lalo na ang mga nangangailangan ng agarang atensyong medikal.