Nailagak na ng pamahalaang lungsod ng Pasig sa mga Landbank automated teller machine (ATM) accounts ng mga senior citizens ang kani-kanilang cash gift ngayong Pasko.
Sa abiso ng Pasig Public Information Office (PIO), sinabi nito na pwede nang makuha ang naturang cash gift sa mga ATM ng Landbank o iba pang bangko simula kaninang alas-7 ng umaga.
Kaugnay nito, ipapagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng onsite distribution o ‘yung pamamahagi ng cash cards sa mga Landbank branches sa Lunes at Martes.
Samantala, paalala ng pamahalaang lungsod ng Pasig na sundin ang itinakdang schedule ng lungsod na naka-post sa official Facebook ng Pasig PIO, para maiwasan ang pagdagsa sa mga branches ng bangko.