Handa ang pamahalaang lungsod ng Pasig sa implementasyon ng K to 12 program.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Mayor Maribel Eusebio na ginagawa nito ang lahat upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa mahigit 40 eskuwelahan sa lungsod.
Paliwanag ni Eusebio, hindi naman nila iaasa sa Department of Education o DepEd ang lahat kaya’t naglaan ito ng halos P1 bilyong piso para sa mga estudyante.
“Hindi kami umasa naman na, kung ano lang po ang ibabato sa aming pondo o tulong, kami po ay nagsisikap simula pa noong nakaraang taon na magpatayo tayo ng mga karagdagang classroom, sa aking palagay ay handa naman po kami na magkaroon ng senior high school ng Grade 11 at 12.” Paliwanag ni Eusebio.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)