Ikinatuwa ng Pasig City Government ang pagbubukas ng pediatric vaccination kontra COVID-19 sa ilang fast food chain sa lungsod na tatagal hanggang Abril a-9.
Ayon sa Pasig City LGUs, malaki ang tulong ng mga pribadong kumpanya sa vaccination campaign dahil marami sa mga vaccination site noon ang hindi na puwede gamitin ngayon katulad na lamang ng mga eskwelahan dahil sa pagbabalik ng klase.
Dahil dito, libreng makakapagbakuna ang mga kabataang edad 5 hanggang 11 bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Layunin ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang nasa 100K na kabataan dahil 15% pa lamang nito ang nabakunahan.
Umaasa ang Local Government Unit na sa tulong ng vaccination sites tulad ng fast food chain at mga botika, marami pang mga bata ang mae-engganyong magpabakuna.
Target namang mabakunahan sa fast food chain ang 200 kabataan kada araw kung saan, ang mga mababakunahan ay tatanggap ng libreng loot bags. —sa panulat ni Angelica Doctolero