Kinukumpleto na ng Department of Transportation (DOTr) ang ginagawa nilang feasibility study para sa pagpapaunlad ng Pasig River Ferry System.
Ayon kay transportation secretary Jaime Bautista, prayoridad niya sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ang pagpapaunlad pa ng Ferry System na maaaring magamit bilang alternatibong transportasyon.
Sa oras na makumpleto, magiging malaking tulong ang ferry para sa pitong siyudad sa Metro Manila.
Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang nangunguna sa feasibility study ng pagpapaunlad ng ferry.
Si Bautista naman ang gagawa ng evaluation kung paano tatagal ang imprastruktura nito lalo’t nalalapit na pagtatayo ng Pasig River Expressway (PAREX).