Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry Service.
Gayunman, ipinabatid ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na limitado lamang ang biyahe ng Pasig River Ferry mula Pinagbuhatan, Pasig City hanggang Sta. Ana sa Maynila.
Tiniyak ng MMDA ang patuloy na paglilinis sa ilog mula sa water hyacinths at iba pang basura na una nang naging dahilan nang pagsuspinde sa operasyon ng ferry service.