Kinansela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River ngayong araw, September 26.
Ito’y dahil pa rin sa panahong dulot ng typhoon Karding.
Sinabi ng MMDA na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Metro Manila at iba pang lugar.
Sa ngayon, nasa red alert ang mmda bilang paghahanda sa epekto ng nasabing bagyong Karding.
Maliban dito, naghahanda na ang mmda ng mga rubber boat para magamit sa isasagawang rescue sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng super typhoon Karding.