Mananatiling libre ang sakay sa Pasig River Ferry Service hanggang sa susunod na taon.
Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority acting Chairman Romando Artes na may sapat na pondo para sa libreng sakay sa mga pasahero.
Para sa taong 2023, P79.96-M ang inaprubahang pondo ng kongreso para sa Pasig River Ferry Service.
Simula pa noong Disyembre 2019 ang libreng sakay nang magbukas muli ang ferry service mula Pinagbuhatan, Pasig City hanggang Escolta, Maynila.