Tigil-operasyon muna ang Pasig River Ferry Service simula ngayong araw, Lunes, ika-16 ng Nobyembre.
Ito ay matapos mapinsala ng Bagyong Ulysses ang istasyon o terminal ng ferry service.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), wasak ang pontoons o docking platform ng ferry boats sa Gudalupe, Hulo, Valenzuela, Pinagbuhatan at San Joaquin stations.
Sinabi na MMDA na kailangan munang suspindihin ang mga biyahe ng Pasig River Ferry upang masuri ang kanilang mga pasilidad para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Maglalabas na lamang ng panibagong anunsyo ang MMDA kung kailan babalik ang operasyon ng Pasig River Ferry Service.