Ininspeksyon ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng DBM ang Pasig River Ferry System.
Ito ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno ay dahil target ng gobyerno na mapa biyahe sa Pasig River ang 29 na ferry sa taong 2022 mula sa kasalukuyang 12 lamang.
Halos 77,000 pasahero ang mase serbisyuhan kada araw ng ferry kapag naging operational na ang mahigit dalawampu nito.
Sinabi ni Diokno na ikinakasa na nila ang bidding para sa nais maging ferry operator na sa kasalukuyan ay ino operate ng MMDA.
Binigyang diin pa ni Diokno na mahalagang mapalawig ang operasyon ng Pasig River Ferry na aniya’y nakikita nilang maaaring manatiling functional transport system sa sandaling tumama ang The Big One o malakas na lindol sa Metro Manila.
Samantala ipinabatid ni Budget Assistance to Cities Program Manager Julia Nebrija na target nilang magtayo ng mga bagong ferry station kabilang na sa Rockwell Area, Ayala Circuit, isa pa sa Pasig City at sa Quinta Market sa Maynila.