Handang isulong ni Senador Sonny Angara na taasan ang ibibigay na subsidy ng pamahalaan para sa MMDA o Metro Manila Development Authority.
Ito’y para sa patuloy na operasyon ng 15 kilometrong ruta ng Pasig River Ferry System bilang isa sa mga pinakamabisa umanong alternatibo sa malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Angara, mahalagang maisakatuparan agad ang modernisasyon sa Pasig River Ferry System dahil sa ito ang magiging takbuhan ng maraming pilipinong sawa na sa perwisyong dulot ng trapik.
Dahil dito, hiniling ni Angara sa MMDA na magsumite na ng kanilang detalyadong programa sa kung paano nila gagamitin ang 74 milyong pisong dagdag na pondo para sa operasyon ng nasabing ferry system.