Ipinahiwatig ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang posibleng pagsasapribado ng Pasig River ferry service para sa mas magandang serbisyo.
Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim sa pagdinig ng House Committee on Transportation na pag-uusapan na nila kung kailangan nang isapribado ang serbisyo ng Pasig River ferry service.
Ayon kay Lim, mas maraming pasahero ang gusto ng ibang sasakyan dahil mabaho aniya ang Pasig river.
Bukod dito, ipinabatid ni Lim na masyado ring magastos ang pagme-maintain ng ferry service dahil sa paglilinis dito mula sa mga halamang bumabara rito lalo na kung tag-ulan.
Ang Pasig River ferry service na alternative route para sa mga commuter na ayaw maipit sa matinding trapiko sa Metro Manila ay pansamantalang isinara para malinis mula sa mga nakabarang water hyacinth.
By Judith Larino
Pasig River ferry system target maisapribado was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882