Target ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na paabutin hanggang sa Marikina River ang serbisyo ng Pasig River Ferry System.
Ito ang inihayag ng bagong MMDA chairman na si Benhur Abalos na matapos ang kanilang pagpupulong ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro.
Ayon kay Abalos, target nilang mapagsilbihan ng ferry system ang mga residente ng Marikina, San Mateo at iba pang bahagi ng Rizal malapit sa Marikina River bilang isa sa mga solusyon para maibsan ang problema sa trapiko.
Sa kasalukuyan, mayruong 11 istasyon ang Pasig City Ferry Service mula sa Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City, Guadalupe sa Makati at Escolta sa Maynila.