Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na may pagasa pang malinis ang Pasig River.
Ito’y sa gitna ng ginagawang rehabilitasyon sa naturang ilog.
Sa Oath taking ng mga bagong appointed official sa Malakaniyang, inihayag ng pangulo na balak na niyang buwagin ang Pasig River Rehab body at i-atang na lamang ang rehabilitasyon ng ilog sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa Pangulo, mahirap linisin ang Pasig river dahil ang mga lumalabas sa bahay at factory ay sa ilog napupunta.
Una rito, binuo ang Pasig River Rehabilitation Commission sa pamamagitan ng Executive Order na pinirmahan ni nuo’y Pangulong Joseph Estrada para linisin ang naturang ilog na nagdudugtong sa Laguna de Bay at Manila Bay.