Pinayuhan na ng Manila Water ang mga taga Pasig, Taguig at Pateros na mag-imbak na ng tubig.
Ito ay dahil sa mararanasang water interruption simula bukas hanggang Martes, Mayo 16.
Paliwanag ng Manila Water, sisimulan na bukas ang unang bahagi ng pagpapalit ng mga tubo at relocation works sa Parian Creek sa barangay Kapasigan, Pasig City.
Tinatayang nasa 35,000 kabahayan ang maaapektuhan ng naturang water service interruption mula alas 8:00 ng gabi bukas hanggang alas 6:00 ng umaga ng Martes.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina