Malapit nang mapuno ng mga locally stranded individual (LSI) ang mga quarantine facilities ng Philippine Army sa Taguig.
Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Ramon Zagala, nasa 344 na mga LSIs na ang pansamantalang pinatutuloy sa kanilang pasilidad sa Phlippine Army Gym at Libingan ng mga Bayani.
Sinabi ni Zagala, mas marami aniya ang dumarating kaysa sa mga umaalis na LSIs.
Sa katunayan aniya, 64 na LSIs lamang ang napauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong araw habang may 134 panibagong batch ang pinoproseso na para makapasok sa pasilidad.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Zagala ang mga biyahero at uuwi ng kanilang mga probinsiya na kumpirmahin muna ang schedule ng kanilang mga flights bagong magtungo sa mga paliparan para hindi mapuno ang pasilidad ng Philippine Army.