Arestado ang isang babae mula Bulacan dahil sa pagpapatakbo umano ng online annulment scam sa Quezon Province.
Hinuli ang suspek na si Archie may Ramos ng mga tauhan ng criminal investigation and detection group sa kaniya mismong bahay sa San Jose Del Monte.
Ayon sa ulat, pinapangakuan umano ni Ramos ang mga public school teacher sa Quezon na kaya niyang maipawalang-bisa ang mga kasal ng mga ito kapalit ang malaking halaga.
Kinasuhan si Ramos ng estafa at falsification of public documents.