‘Generally peaceful’ ang naging pagdiriwang ng pasko ngayong taon.
Ito’y ayon kay Philippine National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo, kung saan wala aniya silang naitalang illegal discharge of firearms o anumang untoward incident na maaaring makagambala sa holiday season.
Inaasahan naman ng PNP na magtutuloy-tuloy ito hanggang sa matapos ang taong 2022.
Samantala, ilang araw bago mag-bagong taon, pinaalalahanan ni Fajardo ang publiko na tanging pinapayagan sa mga residential areas ang mga pyrotechnic devices o “pailaw” tulad ng butterfly, fountain, sparklers, trumpilyo, at iba pa.