Sa ngalan ng tatlumpung mga kabataan na galing sa CHILD Haus, at ng kanilang mga magulang at tagapag-alaga, sinalubong ni SM Prime Holdings Chairman ng Executive Committee, Hans Sy, at Mader Ricky Reyes ang mga kinatawan ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc. upang magsagawa ng isang buong araw ng Christmas-inspired na mga activity sa SM Mall ng Asia – na hindi man opisyal, ay maaari na ring ikonsiderang “CHILD House #3.”
Si Mader Ricky Reyes (kaliwa) kasama si SM Prime Holdings Chairman ng Executive Committee na si Hans Sy (ika-5 mula kanan) at mga miyembro ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc., at kanilang mga kinatawan, habang namamahagi ng mga aginaldo para sa tatlumpung benepisyaryo ng CHILD Haus at kanilang mga magulang. Ang CHILD Haus ay isang institusyong itinatag upang maging kanlungan ng pag-asa para sa mga batang may kanser. Ang nasabing aktibidad na naglalayong lumikha ng isang hindi malilimutang Christmas outing at merienda party, ay ginanap noong Nobyembre 28, 2023, sa SM Mall of Asia (MOA). Ilan sa mga naging aktibidad ay shopping spree sa SM Store, meryenda sa Shake Shack, at rides sa MOA SM By the Bay Amusement Park.
Si Mader Ricky Reyes (gitna) kasama si SM Prime Holdings Chairman ng Executive Committee na si Hans Sy, mga kinatawan ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc., kasama ng mga kabataan ng CHILD Haus, at kanilang mga magulang at tagapag-alaga, ay masayang nakahelera sa harap ng kahanga-hangang, 65-foot ga-higanteng Christmas tree, sa SM Mall of Asia.
Tulad ng alam ng karamihan, ang CHILD Haus ay isang katangi-tanging tahanan kung saan ang mga batang kapus-palad at tinamaan ng kanser, ay pinagkakalooban ng pagkakataong manirahan (kasama ang isang magulang, o parehong magulang kung ang bata ay sanggol pa). Dito ay mayroon silang libreng pagkain at tirahan habang sumasailalim sa serye ng mga gamutan.
(Mula kanan hanggang kaliwa): SM Prime Holdings Chairman ng Executive Committee Hans Sy, Gng. Judy Chua (ina ni Gng. Tiffany Gatchalian, asawa ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian), Pasay City Mayor Imelda “Emi” Gallardo Calixto-Rubiano, kanyang asawa at Kinatawan ng Pasay City na si Ginoong Egay Rubiano, Gng. Tiffany Gatchalian (asawa ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian), San Juan City Mayor Francis Zamora at kanyang maybahay, na sya ring Presidente ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc.—Gng. Keri Zamora. Kabilang din sa grupo na nasa SM Mall of Asia carousel ay ang iba pang miyembro ng foundation na sina Gng. Trina Biazon (asawa ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon), Gng. Aubrey Malapitan (asawa ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan), at Gng. Peggy Anne Riate-Sienes (kapatid ni Gng. Aileen Olivarez, asawa ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez).
Ang shopping spree sa SM Store ay sinundan ng isang nakabubusog na meryenda sa Shake Shack, at pagkatapos naman ay ang pagkakataong makasakay sa MOA Eye, na nasa SM by the Bay Amusement Park. Sa pagitan ng mga hiyawan at katuwaan, ng pagkamangha ng mga bata, ay naroon ang taos-pusong pagnanais sa bahagi ng mga asawa ng mga alkalde at mga kinatawan nila, na ang mga bata sa CHILD Haus, at mga magulang nito, ay pansamantalang maisantabi ang kanilang mga suliranin ukol sa kalusugan kahit lamang sa araw na ito. Mahalaga din na maipabatid sa kanila na mayroong mga taong handang magmalasakit at magpasiya sa mga batang ito. Ang CHILD Haus ay tungkol din sa pagkakaroon ng matatag na pag-asa at katunayang may mga panalanging sinasagot.
Si Mader Ricky Reyes (ikatlo mula kaliwa), kasama ng mga miyembro ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc., at ng kanilang mga kinatawan, sa harap ng Mall of Asia SM Store, kung saan nagsagawa sila ng Christmas shopping spree para sa mga benepisyaryo ng CHILD Haus.
Si Pasay City Mayor Imelda “Emi” Gallardo Calixto-Rubiano kasama ang mga benepisyaryo ng CHILD Haus sa kanilang Christmas shopping spree sa Mall of Asia SM Store.
Isang batang benepisyaryo ng CHILD Haus ang masusing pumipili ng gusto nyang laruan sa Mall of Asia SM Store, habang sila ay nag-sha-shopping spree, sa pangunguna ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc.
Buong galak na nagkaloob ang Shake Shack sa SM Mall of Asia ng malinamnam na mga hotdog at burger para sa mga bata, magulang, at tagapag-alaga ng CHILD Haus.
Ang mga bata ng CHILD Haus at ang kanilang mga magulang ay nagpamalas ng matatamis nilang mga ngiti, sa harapan ng MOA Eye, na matatagpuan sa SM By the Bay Amusement Park.
Tungkol sa CHILD Haus
Ang CHILD Haus ay isang non-profit organization na nagkakaloob ng pansamantalang matutuluyan ng mga batang may kanser, at kanilang mga magulang. Ang CHILD Haus ay nagbibigay ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa mga batang sumasailalim sa gamutan at pagpapagaling. Nag-aalok din ang organisasyon ng mga serbisyo ng suporta sa mga pamilya, kabilang ang pagpapayo at pag-gabay, tulong pinansyal, at transportasyon.