Hindi na nga maikakaila pa, paskong-pasko na talaga.
Mula sa malamig na simoy ng hangin, nagkikinangang mga parol, makukulay na mga palamuti, masasarap na pagkain at syempre ang tambak ng mga regalo.
Pahuhuli pa ba diyan ang tradisyunal na Simbang Gabi na sinamahan pa ng mainit na tsaa, bibingka at puto bumbong?
Pagpasok pa lamang ng buwan ng Setyembre, hindi na magkamayaw ang mga Pilipino sa paggagayak ng mga dekorasyon sa kanilang mga tahanan.
Dito na rin nagsisimulang marinig sa radyo gayundin sa mga tahanan ang iba’t ibang himig pamasko na hindi lamang nagpapa-good vibes, nagpapaalala rin ng mga masasayang ala-ala kasama ang mga mahal natin sa buhay.
Kaya naman inaabangan ng buong mundo, ang Pasko sa Pinas.
Kaya samahan po ninyo kami, ating siyasatin, paano nga ba naging kakaiba ang Pasko ng mga Pilipino?
PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng Siyasat
Ikalawang Bahagi ng Siyasat
—–