Inanunsyo ni Mayor Isko ang pansamantalang pagsasara sa Paskuhan sa Maynila dulot ng masamang panahon dala ng Bagyong Vicky ngayong araw.
Matatandaang pinahintulutan itong buksan ng lokal na pamahalaan bilang tulong sa mga negosyong naapektuhan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Matatagpuan ang Paskuhan sa Maynila sa Mehan Garden kung saan masisilayan ang iba’t ibang palamuting pampasko at maaaring mamili ng iba’t ibang produktong lokal gaya ng pagkain.—sa panulat ni Agustina Nolasco