Isang bangkay ng 10 taong gulang na babae ang natagpuang nakasilid sa sako at hinihinalang ginahasa dahil walang damit sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Maj. Matthew Burgos, hepe ng Itogon Municipal Police, huling nakitang buhay ang bata na naliligo sa pampublikong paliguan noong Lunes ng umaga.
Kinabukasan ay bangkay na nang matagpuan ang biktima sa isang bangin sa barangay Ampucao malapit sa Philex Mining Corporation.
Nakita naman sa CCTV Ang isang lalaki na may pasan-pasang sako na pinaniniwalaang bangkay ng bata.
Agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspek at nakita umano sa cellphone nito na kinunan ng video ang biktima habang naliligo. —sa panulat ni Mara Valle