Tinutunton na ng Department of Health ang 2 taong gulang na lalaki na tinamaan umano ng Covid-19 makaraang mamasyal sa mall.
Gayunman, aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin nila natatagpuan ang bata lalo’t tinanggal na ng doktor na unang nag-report ng insidente ang post nito sa Facebook.
Sa ngayon anya ay wala pa silang na-mo-monitor na kahalintulad na insidente sa ibang mga bata.
Iginiit naman ni Vergeire na batay sa mga scientific study ay mababa ang tsansang mahawa ang mga bata, ma-ospital o mamatay sa covid-19. —sa panulat ni Drew Nacino