Patay ang isang batang babae matapos masagasaan ng Sports Utility Vehicle (SUV) na minamaneho ng isang Seaman sa Bayan ng Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Wendy Rose Roldan, isang taong gulang at driver na si Gil Gomez, 53- anyos.
Ayon sa Calauag Municipal Police, lulan si Gomez ng kanyang Mitsubishi Xpander nang bigla umanong tumawid ang biktima sa harap ng kanilang bahay.
Dead on arrival na ang bata nang isugod ito sa St. Peter General Hospital.
Samantala, handa namang makipag-ayos ang pamilya ng biktima sa nakasagasang kapitbahay. —sa panulat ni Mara Valle