Hanggang alas-12 na lang bukas ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa Quezon City bilang paghahanda sa kauna-unahang SONA o State of Nation Adress ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., bukas.
Batay sa Memorandum na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, half-day na lang papasok ang mga empleyado upang hindi na makagulo sa inaasahang traffic sa lungsod.
Gayunman, buong araw pa rin ang pasok ng mga empleyadong may koneksyon ang trabaho sa essential services, law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, disaster response and management at iba pa.
Matatandaang maliban dito, sinuspinde na rin ang klase sa buong Lungsod ng Quezon bukas bilang paghahanda sa SONA ni PBBM na gaganapin sa Batasang Pambansa.