Suspendido na simula bukas ng tanghali ang pasok ng mga empleyado sa gobyerno.
Ito, ayon sa Palasyo ay para mabigyan ng oras ang mga empleyado ng gobyerno na makiisa sa paggunita ng Undas.
Gayunman, nilinaw ng Malakaniyang na tuluy tuloy ang trabaho ng mga empleyadong na may kinalaman sa basic at health services, preparedness response sa disasters at calamities at iba pang vital services.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa pamunuan ng private schools at mga kumpanya ang pagpapasya kung mag sususpindi ng klase o trabaho.
Ang November 1, Biyernes at November 2, Sabado ay kapwa idineklara ng Malakaniyang bilang special non working holidays.