Hindi makatuwirang pilitin ng Department of Education ang mga gurong pumasok pa rin sa kani-kanilang mga paaralan mula May 2 hanggang 13 kahit wala silang tungkuling pang eleksyon.
Binigyang diin ito ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil Non School days ang mga nasabing petsa kayat hindi ito dapat ikunsider na workdays para sa mga guro.
Sinabi ng ACT na pabigat na trabaho sa mga guro ang direktiba ng DepEd na pumasok pa rin ang mga ito kahit wala silang election related duties sa May 2 hanggang 13 sa halip na tutukan ang tunay na trabaho ng mga guro.