Suspendido na rin ang pasok sa Supreme Court sa Jan. 9 sa Maynila dahil sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.
Batay sa Memorandum Order no. 02-2023, nilagdaan ni Chief Justice Alexander Gesmundo na sususpindihin pasok sa SC dahil sa inaasahang matinding trapiko bunsod ng mga isinarang kalsada sa Maynila.
Ayon sa Manila Police District, ilang kalsada ang isasara sa trapiko sa Ene. 6 at a-8 dahil sa aktibidad ng Nazarene 2023.
Kasabay nito, una nang idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang Ene. 9 bilang Special non-working day sa Lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang ng naturang Pista.
Samantala, nasa 5M deboto naman ang inaasahang lalahok sa Walk of Faith Procession bukas, mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church. —sa panulat ni Jenn Patrolla