Kinansela na ni Albay Governor Al Francis Bichara ang pasok ngayong Martes, Enero 23, sa ilang lugar sa kanilang lungsod.
Ito ay kasunod ng pagbuga ng makapal na abo o ash column ng Bulkang Mayon nitong Lunes, Enero 22, na umabot sa tatlong kilometro.
Kabilang sa mga kinansela ang pasok sa Legazpi City, Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Oas, at Polangui.
Habang binigyan naman ng otoridad ni Bichara na magkansela ng pasok ang Mayor ng Rapu-Rapu, Manito, Jovellar, Pio Duran, Tiwi, Malilipot, Tabaco City, Bacacay, Libon, Malinao, at Sto. Domingo.
#BASAHIN Pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Albay bukas, Enero 23, 2018, sinuspinde na. | via Albay Gov. Al Francis Bichara pic.twitter.com/uMNamJwNKZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 22, 2018
Samantala, sinuspinde na din ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang pasok sa lahat ng antas sa buong 5th District o Rinconada area, kabilang ang Bula, Bato, Balatan, Baao, Buhi, Nabua, at Iriga.
Ito ay matapos na maapektuhan ang naturang mga lugar ng ash fall mula sa Bulkang Mayon.
Ayon sa ipinalabas na kalatas ni Villafuerte, mananatiling walang pasok ang mga nabanggit na bayan hangga’t hindi naglalabas ng panibagong memo na nagdedeklarang may pasok na muli.
#BASAHIN Pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa pitong (7) bayan sa Camarines Sur sinuspinde. pic.twitter.com/IDunVdbeN7
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 22, 2018