Kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya ng Albay.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Chairman at Albay Governor Al Francis Bichara, ang suspensyon ng klase sa lalawigan ay bahagi ng kanilang preemptive disaster measure para maprotektahan ang mga estudyante laban sa pagbaha.
Dagdag ni Bichara, agad ding tatanggalin ang suspensyon ng klase oras na bumalik na sa normal ang sitwasyon ng panahon sa lalawigan.
Kasabay nito, inatasan din ng lokal pamahalaan ang 18 local disaster councils sa buong Albay na manatiling naka-alerto at imonitor ang mga lugar na madalas makaranas ng flashfloods at landslides.
Kanila na ring binalaan at pinag-iingat ang mga residente malapit sa mga ilog.