Pansamantalang sinuspinde ng mga awtoridad sa General Santos City ang pasok sa lahat ng mga government offices sa lungsod, kasunod ng pagtama ng magnitude 6.2 na lindol kaninang umaga sa Alabel, Sarangani.
Sa post ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng lungsod, epektibo ang suspensyon hanggang mamayang ala-1 ng hapon.
Paliwanag ng CDRRMO, ang naturang hakbang ay para magbigay daan sa isasagawang malalimang inspeksyon at assesment sa mga pasilidad at masigurong ligtas itong gamitin.