Sinuspinde na ng Palasyo ng Malacañang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, epektibo alas-3 ng hapon, ngayong araw.
JUST IN: Palasyo nagdeklara na ng suspensyon ng pasok sa trabaho sa tanggapan ng gobyerno at pasok sa pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila, epektibo ngayong alas-3 ng hapon, Biyernes, Agosto 9, 2019 #WALANGPASOK | via @joelynharp pic.twitter.com/lCy40XbCyr
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 9, 2019
Suspendido na rin ang klase sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa naturang lugar.
Ang naturang suspensiyon ay bunsod ng masamang panahong dala ng habagat na patuloy na nararanasan sa Metro Manila.
Samantala, ipinauubaya naman ng Palasyo ang diskresyon sa mga management ng pribadong kumpanya kung sila ay magsususpinde rin ng pasok sa trabaho.