Tuloy na ang pasok bukas sa Guagua, Pampanga matapos na bawiin o i-lift ng lokal na pamahalaan ang idineklarang suspensyon ng klase.
Ayon kay Carlito Nicdao, head ng Guagua Muncipal Disaster Risk Reduction and Management office, kasunod ito ng nabigong transport strike na ikinakasa ng grupong piston sa Disyembre 4, araw ng lunes.
Maging ang lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, binawi rin ang inanunsyong class suspension dahil sa napurnadang malawakang tigil-pasada.
Una ng sinabi ng pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide o piston, kanilang kinansela ang dalawang araw na kilos protesta upang bigyang-daan umano ang senate inquiry ukol sa Public Utility Vehicle Modernization Program na suportado ng Duterte administration.