Sinuspinde ng Metro Manila Mayors ang pasok sa ilang lugar sa National Capital Region ngayong araw, January 15, 2022 bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga klaseng kinansela ay ang mga sumusunod na lugar:
- Valenzuela – college level, na tatagal hanggang january 22.
- Maynila – lahat ng antas
- San Juan – lahat ng antas at
- Pasay – lahat ng antas na magsisimula sa January 17, na tatagal hanggang January 22.
- Antipolo at
- Calabarzon na magsisimula sa January 17 hanggang January 29.
Nito lamang Biyernes, nakapagtala ng 37,207 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan, 47.3% ang naitalang positivity rate na pinakamataas mula nang magsimula ang pandemya. —sa panulat ni Angelica Doctolero