Kinansela ng Baguio City LGU ang pasok sa opisina ng gobyerno dahil sa ulang dulot ng habagat nitong Miyerkules.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ito ay para sa seguridad ng empleyado para maaga itong makauwi dahil sa sama ng panahon.
Kabilang sa direktiba ang lahat ng local agency ng national government na hindi nagbibigay ng critical services.
Nasa inisyatibo naman ng mga nasa pribadong sektor kung magkakansela rin.
Parte ang Baguio City ng cordillera na nakararanas na ng 10 araw na pag-uulan.―sa panulat ni Rex Espiritu