Nag-anunsyo na ng suspensiyon ng klase ang ilang mga eskwelahan at unibersidad sa bansa ngayong araw, Abril 24, kasunod ng pagtama ng dalawang malakas na lindol sa Luzon at Visayas.
Kabilang sa walang pasok ang lahat ng pribado at pampublikong paaralan para sa lahat ng antas sa Tacloban city.
Kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas sa University of San Jose Recoletos sa Cebu city, University of the Philippine – Diliman Extension Program sa Pampanga at Emilio Aguinaldo College sa Maynila na magbabalik-klase sa Abril 29.
Samantala, sinabi ng Korte Suprema na kanila nang ipinauubaya sa mga executive judges sa mga lugar na naapektuhan ng mga lindol kung magsususpendi ng pasok sa mga nasasakupang korte.