Sinuspinde na ng Manila City government ang klase sa lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan bunsod ng traslacion ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9.
Alinsunod din sa Executive Order (EO) 1 ni Manila Mayor Joseph Estrada, suspendido din ang mga trabaho sa lahat ng departamento at tanggapan sa City government ng Maynila.
Gayunman, hindi saklaw ng naturang kautusan ang mga police officer, traffic enforcer at disaster and risk reduction management personnel.
Samantala, nasa diskresyon na ng kani – kanilang head ang work suspension sa national government offices at lahat ng private offices sa Maynila.
Magsisimula ang Traslacion 2018 sa Luneta Grandstand, 6:00 ng umaga sa Martes kung saan nasa sampu (10) hanggang labingwalong (18) milyong deboto ang inaasahang lalahok.