Sinuspindi ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila.
Sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi kasama sa suspension ang mga tanggapan ng pamahalaan na may direktang kaugnayan sa serbisyong pang kalusugan at pangunahing serbisyo sa publiko.
Mga pribadong kumpanya na rin ang maagang nagpauwi na ng kanilang mga empleyado.
Kabilang rin sa mga nagsuspindi na ng pasok ang lahat ng Korte sa National Capital Region, ang Senado at ang Kamara.
Kahapon pa lamang ay nagsuspindi na ng pasok ang mga Local Government Units sa lahat ng antas ng paaralan.
Pasado 12:00 rin kaninang tanghali ay sinuspindi na rin ng MMDA ang color coding.
Samantala, kinansela na ng LTFRB ang biyahe ng mga pampasaherong bus sa ibang panig ng bansa dahil sa panganib na dala ng bagyong tisoy.
Kabilang dito ang mga biyaheng Southern Luzon, Bicol Region, Samar at Biliran.
Dahil naman sa mga nasuspinding biyahe ng mga barko, tinatayang nasa anim na libong pasahero na ang istranded sa mga pantalan sa ibat ibang panig ng bansa.