May pasok na sa mga eskwelahan at trabaho sa ilang mga bayan at lungsod na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Batay ito sa ipinalabas na kautusan ni Albay Governor Al Francis Bichara na nagli-lift sa work at school suspension na kanyang unang ipinalabas.
Gayunman, itinuloy pa rin ni Guinobatan Mayor Ann Ongjoco ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa kanilang bayan
Ayon kay Ongjoco, mas dumami pa ang evacuees sa kanilang lugar na kailangang pansamantalang patuluyin sa mga paaralan.
Gayundin sa bayan ng Polangui, suspendido din ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampubliko pero nananatiling may pasok sa trabaho.