Magsasara ng maaga ang mga korte sa buong bansa bukas, October 30.
Ito ay bilang pakikiisa sa paggunita sa Araw ng mga Patay.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, half day lamang o hanggang tanghali lamang ang pasok sa lahat ng korte bukas.
Balik trabaho naman sa Lunes, November 2.
By Judith Larino