Bumalik na sa normal ang pasok sa mga paaralan sa Surigao City, mahigit isang linggo matapos itong tamaan ng 6.7 magnitude ng lindol.
Ayon kay Surigao City Public Information Office Head Annette Villaces, ang unang araw ng pasok ay nakalaan muna para sa psychosocial debriefing ng mga estudyante upang maka-recover sa trauma na dinanas nila sa lindol.
Nauna nang isinailalim sa debriefing ang lahat ng guro sa lungsod.
By Len Aguirre