Suspendido na ang pasok sa lahat ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bukas, March 13.
Bahagi ito ng precautionary safety measure laban sa paglaganap ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa LTFRB, walang pasok sa kanilang central office sa Quezon City, LTFRB-National Capital Region (NCR) at lahat ng regional franchising regulatory offices bukas, Biyernes.
Lahat ng government transactions na may kaugnayan sa LTFRB ay sa maipoproseso na sa Lunes.
Kasabay nito, pinayuhan ng LTFRB ang kanilang staff, stakeholders, operators, drivers at publiko na panatilihin ang pangangalaga sa sarili o personal hygiene.